Pamamahala sa Personal na Impormasyon ng Mga Customer
For visitors from EEA (European Economic Area), please click here for our privacy policy.
Updated: June 22, 2020
Ginawa: Abril 1, 2005
Na-update: Abril 1, 2017
THK CO., LTD.
CEO Akihiro Teramachi
Nakabatay ang aming negosyo sa aming mga transaksyon sa mga stakeholder: sa aming mga customer, una sa lahat, at pati na rin sa aming mga shareholder at investor, kasosyo sa negosyo, at empleyado.
Mahalaga ang pamamahala at pagprotekta sa personal na impormasyon at privacy ng aming mga stakeholder upang makuha ang kanilang tiwala at makabuo ng mga ugnayang pangmatagalan at maganda.
Dahil dito, isinasagawa namin ang mga sumusunod na batayang panuntunan sa pangangasiwa ng personal na impormasyon at papamahalaan at poprotektahan namin ang lahat ng personal na impormasyon alinsunod sa nakasaad dito.
1. Susunod kami sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon patungkol sa pangangasiwa ng personal na impormasyon, ipapaalam namin sa lahat ng empleyado at iba pang kasangkot ang tungkol sa kahalagahan ng pagprotekta sa personal na impormasyon, gagawa kami ng mga panuntunan upang matiyak ang tamang pangangasiwa, ipapatupad namin nang walang palya ang mga panuntunang ito, at patuloy naming papahusayin ang aming mga proseso.
2. Gagawa kami ng mga naaangkop na sistema para sa pagprotekta ng personal na impormasyon, nang isinasaalang-alang ang laki at katangian ng mga operasyon sa iba't ibang departamento, at papangasiwaan namin sa paraang naaangkop at naaayon sa mga itinakdang probisyon ang pangongolekta, paggamit, pagbibigay (kabilang ang pagbibigay sa mga subcontractor), pagbubunyag, pagbabago, pagsuspinde sa paggamit, at pag-delete ng personal na impormasyon.
3. Magpapatupad kami ng mga hakbang panseguridad, kabilang ang mga hakbang panseguridad para sa impormasyon, upang matiyak ang integridad at pagiging ligtas ng personal na impormasyon, at tuluy-tuloy kaming magsusumikap na pagbawalan ang hindi pinapahintulutang pag-access o pagkawala, pagkasira, pamemeke, pagbubunyag, atbp. ng personal na impormasyon.
Wakas
Pakitingnan sa ibaba ang impormasyon hinggil sa personal na impormasyong kinokolekta namin ("Personal na Impormasyon"): ang dahilan ng paggamit, mga partikular na detalye kung paano ito pinapangasiwaan, at kung paano makikipag-ugnayan sa amin para sa mga tanong.
1. Personal na Impormasyong Kinokolekta Namin
1-1. Paano namin ginagamit ang iyong impormasyon
Nangongolekta lang kami ng Personal na Impormasyon kung kailangan para makapagbigay ng impormasyon para sa mga layunin naming pangnegosyo o kung kailangan para makapagsagawa ng mga pangnegosyong aktibidad, at ginagamit ang Personal na Impormasyong ito para sa mga sumusunod na layunin.
(1) Mga kahilingang makipagtransaksyon sa mga customer at kasosyo sa negosyo, internal na kumpirmasyon ng mga pangnegosyong aktibidad sa mga customer at iba pang nauuugnay na partido, pagsusuri ng at pagpapasya para sa mga pangnegosyong aktibidad na ito, pagpasok sa mga kasunduan, pagtupad, pamamahala, at pagwawakas sa mga kasunduan, at mga proseso pagkatapos wakasan ang kontrata
(2) Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa aming mga produkto at serbisyo o mga produkto at serbisyo ng mga kagrupo naming kumpanya
(3) Mga pagsusuri at tanong tungkol sa mga produkto at serbisyong ibinibigay sa aming mga kasosyo sa negosyo
(4) Pagsasapubliko at pagkumpirma sa pagdalo sa aming mga seminar, exhibition, atbp., o mga seminar at exhibition na isinagawa ng mga kagrupo naming kumpanya, pakikipag-ugnayan sa mga tagapagsalita, pagpapadala ng mga ulat sa mga taong dumalo sa mga event o nakibahagi sa mga survey
(5) Pagkumpirma sa mga pagbisita at pagpasok sa aming mga lokasyon
(6) Pagpapadala ng aming mga publication sa mga taong humiling ng mga ito, at pagpapadala ng mga email sa mga taong nag-sign up sa aming serbisyo sa email
(7) Paghiling sa mga customer na sumagot sa mga survey para sa kasiyahan ng customer
(8) Pagsagot sa mga tanong o kahilingan mula sa mga customer at kasosyo sa negosyo
(9) Pagtupad namin sa mga karapatan ng mga shareholder at pagsasakatuparan sa aming mga obligasyon alinsunod sa batas ng kumpanya, pati na rin ang pagpapatupad ng iba't iba pang hakbang para matiyak ang epektibong pakikipag-ugnayan sa aming mga shareholder, wastong pagtukoy sa aming mga shareholder at pagtataguyod ng pagkakaintindihan kabilang ang sa pamamagitan ng paggawa ng data na nakakasunod sa mga pamantayan alinsunod sa nakasaad sa mga nauugnay na batas at regulasyon
(10) Pakikipag-ugnayan sa mga empleyado ng mga affiliated na organisasyon at pagbibigay ng impormasyong nakakatugon sa kanilang mga layunin
(11) Pagbibigay-alam tungkol sa aming mga aktibidad sa pananaliksik at development sa mga miyembro ng institusyon sa pananaliksik, pagtalakay sa mga usaping napapailalim sa (1) sa itaas alinsunod sa mga kasunduan hinggil sa joint development o mga kontrata sa development, pagdalo sa mga pulong para sa pananaliksik, at nominasyon para sa mga pang-akademikong premyo
(12) Mga aplikasyon para sa patent at pamamahala ng mga aplikasyon para sa patent na may mga kasamang aplikante
(13) Pakikipag-ugnayan sa mga mamamahayag, analyst, atbp. para sa mga pang-PR na aktibidad
(14) Pagtanggap ng mga aplikasyon sa trabaho kapag nagre-recruit, pakikipag-ugnayan sa mga aplikante, pagsasabi kung pumasa/hindi ang mga aplikante, atbp.
(15) Pakikipag-ugnayan sa mga certified public accountant, abogado, abogado para sa patent, atbp. kung kailangan sa proseso ng mga pangnegosyong aktibidad
(16) Pakikipag-ugnayan sa mga kagrupong kumpanya para sa mga pangnegosyong aktibidad maliban sa nasa itaas
(17) Mga abiso sa mga retiradong empleyado at iba pang partido
(18) Pakikipag-ugnayan sa mga pamilya ng aming mga empleyado
(19) Pagbabahagi ng impormasyon para sa mga kontrata at kung kailangan para sa mga pangnegosyong aktibidad sa mga subcontractor na manggagawa, contractor na empleyado, na-dispatch na empleyado, part-time na empleyado, at pansamantalang empleyado
(20) Pagbibigay ng impormasyon mula sa aming kumpanya at mga kagrupong kumpanya na mahalaga sa mga layunin sa paggamit na inilarawan sa itaas
Tandaan: Ang mga kagrupong kumpanya ay mga kumpanyang nasa loob o labas ng Japan kung saan kontrolado namin ang 20% o higit pa ng kabuuang karapatan sa pagboto ng shareholder, direkta man o hindi.
1-2. Pag-subcontract sa mga ikatlong partido
Para matiyak ang tuluy-tuloy na operasyon ng negosyo, maaari kaming mag-subcontract ng ilang partikular na aktibidad sa mga third party sa loob o labas ng Japan at ipagkatiwala sa kanila ang Personal na Impormasyong kinakailangan para maisagawa ang mga aktibidad na iyon, alinsunod lang sa kinakailangan ng isinaad na layunin. Sa mga ganoong pagkakataon, pinipili lang namin ang ikatlong partido pagkatapos ma-verify na tama ang pangangasiwa nito sa Personal na Impormasyon, may kasunduan kami para sa pangangasiwa sa Personal na Impormasyon, at tinitiyak nitong wastong nasusubaybayan ang mga ito.
1-3. Sabay na paggamit
Ginagamit namin minsan ang Personal na Impormasyon kasabay ng aming mga kagrupong kumpanya, ahente, dealership, at vendor. Sa mga ganoong pagkakataon, lilimitahan lang ang Personal na Impormasyong maaaring gamitin nang sabay sa pangalan ng indibidwal, lugar ng trabaho, mga address ng bahay at negosyo, numero ng telepono, fax number, at email address, at magiging limitado ang paggamit nito sa pagbibigay ng impormasyon sa mga pang-joint na produkto at serbisyo at mga anunsyo para sa mga joint seminar, exhibition, atbp. Kami ang mananagot para sa pamamahala ng Personal na Impormasyong ginagamit nang sabay.
Tandaan: Ang mga ahente at dealership ay mga kumpanyang nakipagkasundo sa amin at pinapayagan ang mga itong tukuyin ang kanilang mga sarili bilang mga ahente o dealership, at ang mga vendor ay mga kumpanya maliban sa mga ahente o dealership na direktang pinapahintulutang magbenta ng aming mga produkto.
1-4. Paggamit para sa iba pang layunin
Kung kakailanganing gamitin ang Personal na Impormasyon para sa mga layuning hindi isinaad sa "1-1. Paano namin ginagamit ang iyong impormasyon", aabisuhan ang indibidwal o iaanunsyo sa publiko ang paggamit o ilalagay ito sa isang format na madaling ma-access ng indibidwal, maliban na lang kung nagbigay na ng pahintulot ang indibidwal o kung kinakailangan ng batas. Gagawin lang ang mga pagbabago sa kung paano kami gumagamit ng Personal na Impormasyon hangga't makatuwirang kinikilala na may kaugnayan ang mga pagbabago sa mga naisaad na layunin.
1-5. Pagbibigay ng personal na impormasyon sa mga ikatlong partido
Hindi kami magbibigay ng Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partido maliban na lang sa mga sumusunod na sitwasyon.
(1) Kapag pumayag ang indibidwal
(2) Kapag ang istatistikal na data o iba pang data ay hindi naglalaman ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan
(3) Kapag nagbibigay ng Personal na Impormasyon sa mga na-subcontract na ikatlong partido kapag nagsa-subcontract ng ilang partikular na pangnegosyong aktibidad, hangga't kailangan para maisagawa ang mga pangnegosyong aktibidad, at alinsunod lang sa naisaad na layunin (tingnan ang 1-2. "Pag-subcontract sa mga ikatlong partido")
(4) Kapag ginagamit ang Personal na Impormasyon kasabay ng mga kagrupong kumpanya, ahente, dealership, o vendor, alinsunod lang sa naisaad na layunin (tingnan ang 1-3. "Sabay na paggamit")
(5) Kapag kinakailangan ng batas
(6) Kapag mahirap humingi ng pahintulot mula sa indibidwal, ngunit kailangan ang pagbibigay ng impormasyon para makapagligtas ng buhay, matiyak ang personal na kaligtasan, o maprotektahan ang pag-aari
(7) Kapag mahirap humingi ng pahintulot mula sa indibidwal, ngunit kailangan ang pagbibigay ng impormasyon para mapaganda ang kalusugan ng publiko at makapagtaguyod ng magandang pagpapalaki sa mga bata
(8) Kapag kailangan para tulungan ang mga pambansang ahensya, panrehiyong pampublikong organisasyon o mga kinatawan ng mga ito para maisagawa nila ang kanilang mga tungkulin alinsunod sa itinakda ng batas, at kapag ang paghingi ng pahintulot mula sa indibidwal ay posibleng makasagabal sa pagsasagawa sa mga naturang tungkulin
2. Mga Proseso para sa Pagbubunyag, Pag-amyenda, Pagsususpinde sa Paggamit, Pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon
2-1. Mga kahilingan para sa pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon
Pakigamit ang itinalagang form para sa paghiling ng pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon (i-download ang form mula sa sumusunod na link at i-print para magamit: [Link]), sagutan ang mga kinakailangang field, mag-attach ng isang piraso ng personal na pagkakakilanlan (kopya ng opisyal na dokumento gaya ng driver's license o pasaporte) ng nangangailangang indibidwal ("Personal na ID"), at ipadala ito sa address sa ibaba kasama ang return postage. Makakatulong sa aming mapabilis ang iyong kahilingan kung isusulat mo sa pula ang "Enc. request for disclosure" sa sobre.
Kung nairehistro naman ng aming staff sa technical support o pang-email na newsletter ang impormasyon sa aming site, ang mga kahilingan para sa pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde ng paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon ay maaaring isagawa alinsunod sa nakalagay sa site, ayon sa kakayahan naming makumpirma nang tama na ang humihiling ang siyang nangangailangang indibidwal.
Personal Information Protection Officer
Risk Management Office, THK Co., Ltd.
2-12-10 Shibaura, Minato-ku, Tokyo
108-8506, Japan
2-2. Mga kahilingan para sa pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon na isinagawa ng isang kinatawan
Ang sinumang humihiling ng pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon ay dapat na isang legal na kinatawan ng nangangailangang indibidwal, o kung inutusan siya ng nangangailangang indibidwal na humiling ng pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon, dapat siyang maglakip ng Personal na ID kasama ang kahilingan at iba pang dokumentong nakalista sa ibaba.
(1) Kung isang legal na kinatawan (kailangan ang dalawang dokumentong nakalista sa ibaba.)
・Isang dokumentong nagpapatunay ng status bilang isang legal na kinatawan (para sa mga menor-de-edad, kopya ng buong Japanese family register (katanggap-tanggap ang kopya ng dokumento sa health insurance na nagpapatunay na isang dependent ang nangangailangang indibidwal kung may karapatan bilang magulang ang kinatawan), o para sa mga nasa wastong gulang, isang kopya ng dokumentong nagpapatunay ng mga rehistradong detalye)
・Isang dokumentong nagpapatunay sa pagkakakilanlan ng legal na kinatawan (kopya ng opisyal na dokumento gaya ng driver's license o pasaporte na pagmamay-ari ng legal na kinatawan)
(2) Kung itinalagang maging kinatawan ng indibidwal (kailangan ang dalawang dokumentong nakalista sa ibaba.)
・Kapag humihiling ng pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon, isang dokumentong nagpapatunay na iniutos ng nangangailangang indibidwal ang pagkuha ng kahilingan, na may stamp ng rehistrado niyang seal (letter of attorney o katumbas nito)
・Isang may seal na katibayan ng pagpaparehistro para sa nangangailangang indibidwal
2-3. Mga bayarin para sa mga kahilingan sa pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon
Walang babayaran para sa mga kahilingang ito. Gayunpaman, mananagot ang humiling para sa postage (kabilang ang return postage).
2-4. Pagtugon sa mga kahilingan sa pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon
Sasagot kami sa pamamagitan ng liham sa address na ibinigay ng humiling sa form ng kahilingan.
2-5. Mga dahilan ng hindi pagbubunyag ng itinatagong Personal na Impormasyon
Hindi namin ibubunyag ang personal na impormasyon sa mga sumusunod na pagkakataon. Kung magpapasya kaming hindi ibunyag ang impormasyon, sasabihin namin ang desisyon kasama ang dahilan kung bakit.
(1) Kapag hindi matukoy nang sigurado ang indibidwal, halimbawa, kung hindi tumutugma ang address na nasa form ng kahilingan o Personal na ID sa address na mayroon kami
(2) Kung hindi ma-verify ang karapatang maging kinatawan kung sakaling humihiling sa pamamagitan ng isang kinatawan
(3) Kapag hindi sapat ang impormasyon, halimbawa, kung kulang-kulang ang sagot sa itinakdang form ng kahilingan
(4) Kung wala sa amin ang Personal na Impormasyong hinihiling na ibunyag, atbp.
(5) Kapag ang pagbubunyag ay magdudulot ng peligro sa buhay, personal na kaligtasan, ari-arian, o iba pang karapatan o benepisyo ng nangangailangang indibidwal o isang ikatlong partido
(6) Kapag makakasagabal nang matindi ang pagbubunyag sa tamang paggana ng aming mga pangnegosyong aktibidad
(7) Kapag ang pagbubunyag ay makakalabag sa iba pang batas o regulasyon
3. Contact para sa Mga Tanong Tungkol sa Personal na Impormasyon
Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa aming patakaran sa pagprotekta ng personal na impormasyon o kung paano namin pinoprotektahan ang personal na impormasyon, mga suhestyon para mapahusay ang pagprotekta namin sa personal na impormasyon, o kung may gusto kang makausap tungkol sa paghiling ng pagbubunyag, pag-amyenda, pagsususpinde sa paggamit, pagtatanggal, atbp. ng Personal na Impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa aming personal information handling service sa mga detalye ng pakikipag-ugnayang nakasaad sa ibaba. Pakitandaang hindi kami maaaring tumanggap ng mga kahilingan nang personal sa aming mga tanggapan.
Personal Information Handling Service
Mga oras na bukas: Lunes hanggang Biyernes 9:00 am - 5:00 pm
Personal Information Protection Officer
Risk Management Office, THK Co., Ltd.
Tel: +81 3-5730-3896 Fax: +81 3-5730-3915
4. Paggamit ng Personal na Impormasyon sa Aming Site
(1) Cookies, mga web beacon at mga IP address.
Sa aming site, ginagamit ang cookies, mga web beacon, at mga IP address para sa mga layuning nakalista sa ibaba. Maaaring i-disable ng mga user ang aming cookies at mga web beacon sa pamamagitan ng pag-disable sa cookies sa mga setting ng kanilang browser, ngunit maaari nitong pigilan ang paggamit sa ilan o sa lahat ng functionality na nasa mga web page.
[1] Para tukuyin at lutasin ang mga dahilan ng pagpalya ng server o iba pang isyu sa server
[2] Para mapahusay ang content ng site at email
[3] Para i-customize ang content ng site at email para sa mga indibidwal na user
[4] Para sa mga serbisyong eksklusibo sa mga miyembro kung saan nakarehistro na ang personal na impormasyon, ginagamit para sa mga pang-marketing na layunin ang history ng pag-browse, mga sagot sa mga tanong, atbp.
[5] Para gumamit ng anonymous na impormasyon para sa mga istatistika
(2) Google Analytics
Gumagamit kami ng serbisyo ng Google Analytics mula sa Google, Inc. ("Google") sa ilang page sa aming site para maunawaan kung paano ginagamit ng mga bisita ang aming site. Sa paggamit ng Google Analytics sa aming site, makakapangolekta, makakapagtala, at makakapagsuri ang Google ng history ng pag-browse ng mga bisita sa aming site batay sa cookies na ibinibigay namin. Natatanggap namin ang mga resulta ng pagsusuri mula sa Google at ginagamit namin ito para maunawaan kung paano binibisita ng mga user ang aming site. Ang lahat ng data tungkol sa mga user na kinokolekta, itinatala, o sinusuri ng Google Analytics ay hindi naglalaman ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan. Pinapamahalaan din ng Google ang data na ito alinsunod sa kanilang patakaran sa privacy.
Maaaring i-disable ng mga user ang Google Analytics sa mga setting ng add-on ng kanilang browser, para mapigilan ang Google Analytics na kolektahin ang kanilang data. Maaaring i-disable ang Google Analytics sa pamamagitan ng pag-download sa "Google Analytics Opt-out Browser Add-on" mula sa Google opt-out browser add-on download page, pag-install sa add-on, at pag-configure sa mga setting ng add-on ng browser. Kung idi-disable ng isang user ang Google Analytics, madi-disable ang Google Analytics hindi lang sa aming site, kundi sa lahat ng iba pa, ngunit maaari itong i-enable muli anumang oras sa pamamagitan ng pagbabago sa mga setting ng add-on ng browser.
Pakitingnan ang site ng Google Analytics para sa paliwanag tungkol sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Analytics, at ang site ng Google para sa paliwanag tungkol sa kanilang Patakaran sa Privacy.
- Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Analytics:
- www.google.com/analytics/terms/ph.html
- Patakaran sa Privacy ng Google:
- policies.google.com/privacy?hl=fil
- Add-on sa Pag-opt Out sa Google Analytics:
- tools.google.com/dlpage/gaoptout?hl=en (English)
Tandaan: Ang "Google Analytics" ay isang rehistradong trademark ng Google.
(3) Iba Pa
Wala kaming pananagutan o responsibilidad para sa pagprotekta ng Personal na Impormasyon sa mga website na naka-link mula sa aming site. Pakidirekta sa mismong mga may-ari ng site ang anumang tanong tungkol sa kung paano pinapangasiwaan ang Personal na Impormasyon sa iba pang website.
Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pahayag na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang aming Form sa Pakikipag-ugnayan.
MAG-OPT OUT
Kung hindi mo na gustong makatanggap ng mga materyal mula sa amin o kung gusto mong alisin ang iyong personal na impormasyon mula sa database ng THK, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa web@thk.co.jp. Maliban dito, kapag nakatanggap ka ng mga materyal mula sa amin sa pamamagitan ng e-mail o iba pang mga komunikasyon, magagamit mo ang probisyong "mag-opt out" sa mga ganoong komunikasyon nang sa gayon ay malaman naming hindi mo na gustong makatanggap ng mga ganoong materyal mula sa amin.
MGA PAGBABAGO SA PATAKARAN SA PRIVACY
Mabilis na nagbabago ang Internet at ang mga pakinabang na iniaalok nito, gayundin ang mga paraan ng paggamit ng mga tao sa Internet at ang mga batas na sumasaklaw sa mga ganoong paggamit. Samakatuwid, nakalaan sa THK ang mga karapatan upang i-update at baguhin ang Patakaran sa Privacy na ito anumang oras. Matutukoy mo kung binago ang Patakaran sa Privacy na ito sa pamamagitan ng pagsangguni sa petsang "Huling Na-update" sa itaas ng pahinang ito, o kung magpapadala ka sa amin ng e-mail sa web@thk.co.jp .
MGA LINK SA IBA PANG MGA SITE
Maaaring naglalaman ang web site na ito ng mga link sa iba pang mga site. Pakitandaang mabuti na wala kami at hindi kami magkakaroon ng pananagutan para sa mga kasanayan sa privacy ng ganoong iba pang mga site at tanging nalalapat ang Patakaran sa Privacy na ito sa impormasyong aming kinokolekta sa pamamagitan ng web site na ito. Hinihikayat ka naming tiyaking nabasa mo ang mga pahayag tungkol sa privacy ng lahat ng patutunguhang site na binibisita mo.