Skip to Contents

Sa pampublikong transportasyon

Napabilib ng HSST (High-Speed Surface Transport) system ang maraming bisita sa Tsukuba Expo '85, ang science at technology exposition kung saan una itong ipinakita pagkatapos simulan ang paggawa noong 1974. Kasunod nito, opisyal na binuksan para sa negosyo ang HSST system sa Yokohama Exotic Showcase (YES) noong 1989. Mahalagang bahagi ng mga transportasyon para sa susunod na henerasyon gaya nito ang mga produkto ng THK.

Linimo

Mga larawan ng linear motor car system

Kinunan ng Aichi Rapid Transit Co., Ltd. ang mga larawan

Upang makatakbo nang mas mabilis sa mga likuan.

Nakakuha ng malaking atensyon ang linear motor car o "Linimo" sa Expo 2005 Aichi, Japan. Ginagamit ang attractive force na binubuo ng current ng isang magnet na nakadikit sa katawan ng tren upang i-angat ang tren mula sa mga riles, na nagtatangal sa friction ng riles/gulong at binibigyang-daan ang tren na tumakbo nang mas mabilis.

Kung ganap na nakapirmi ang mga lifting at driving module sa mga carriage, hindi makakaliko ang tren dahil ire-resist ng likod ng bawat carriage ang sideways na paggalaw ng harapan. Upang lutasin ang problemang ito, idinisenyo ang limang module na naka-mount sa bawat carriage ng tren upang mag-slide pakanan o pakaliwa kapag lumiliko ang tren, binibigyang-daan ang tren na makatakbo nang mabilis sa mga likuan. Ginagamit ang aming mga LM Guide sa sliding mechanism ng mga module na iyon, ginagawang napakaayos at tahimik ang paggalaw ng mga ito.


Mga produktong ginagamit

LM Guide

Mga pangunahing produkto ng THK ang mga LM Guide, ang mga pinakaunang device sa buong mundo na nagbigay-daan sa linear na paggalaw na may rolling contact.