Pagpapanatili sa kapaligiran
Simula noong nagawa ang LM Guide, nakapag-ambag ang Grupo ng THK sa lipunan at sa ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang sinimulang tungkulin bilang mga gumagawa ng mga linear motion system at component ng makina. Naniniwala din kaming pananagutan sa lipunan ng kumpanya na hayaang nasa magandang estado ang kapaligiran ng buong mundo para sa susunod na henerasyon, na siyang dahilan kung bakit isinasagawa namin ang mga sumusunod na inisyatibo upang patuloy na bawasan ang mga pagkasira ng kapaligiran at pagandahin ang natural na kapaligiran.
Pangunahing patakaran ng Grupo ng THK patungkol sa kapaligiran
- Itinuturing naming malaking hamon sa pamamahala ang pangangalaga sa kapaligiran, at nagsusumikap kaming maunawaan kung paano nakakaapekto sa kapaligiran ang aming mga produkto, serbisyo, at aktibidad sa negosyo. Nagtatakda ang lahat ng division ng mga naaangkop na layunin para sa kapaligiran upang tugunan ang hamong ito.
- Bukod sa pagsunod sa mga batas para sa kapaligiran, nagtakda rin kami ng sarili naming mga pamantayang regular na sinusuri para mapataas ang kahusayan at bisa ng pamamahala namin sa kapaligiran.
- Patuloy naming isusulong ang paggawa ng mga produktong makakatulong sa pagbawas ng epekto sa kapaligiran.
- Babawasan namin ang paggamit ng enerhiya sa mga aktibidad namin sa negosyo at patuloy naming isusulong ang pagpapababa ng konsumo sa enerhiya at pag-emit ng mga greenhouse gas.
- Dahil partikular naming pinagtutuunan ang pagbabawas at pagre-recycle ng mga basura, hindi lang namin basta isusulong ang pagtitipid at pagre-recycle ng mga materyales, kundi magsusumikap din kaming iwasan ang polusyon.
- Kinikilala namin ang epekto ng aming mga aktibidad sa negosyo pagdating sa biodiversity, at aktibo kaming kikilos para sa pangangalaga sa lahat ng buhay sa mundo.
- Para magkaroon ng mas malawak na pagtutulungan pagdating sa mga aktibidad namin para sa kapaligiran, nagbibigay kami ng gabay at suporta sa aming mga affiliate na kumpanya at kasosyo sa negosyo, at nagsusumikap din kaming makipagtulungan at makiisa sa komunidad.
- Ang batayang patakarang ito para sa kapaligiran ay ipinapaalam sa lahat ng division sa Group sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay, at mga kampanya sa pagsusulong ng kaalaman, at maagap kaming naglalabas ng impormasyon tungkol sa kapaligiran sa loob at sa labas ng Group.
Binago noong Agosto 21, 2019